Mahigit 5 kabahayan tinupok ng apoy sa Brgy. San Antonio, Quezon City

Umaabot sa nasa 50-60 kabahayan ang nilamon ng apoy sa sunog na sumiklab sa West River side sa Barangay San Antonio, Quezon City.

Sa report ng QC Fire Department, nagsimula ang sunog dakong alas-8:30 ng umaga at dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy at yari sa light materials ang mga kabahayan agad na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog matapos lamang ang 9 na minuto.

Malaki ang bilang ng mga bumbero na dumating, pumosisyon ang mga ito sa harap at likuran ng nasusunog na mga bahay.


Paliwanag pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) 9:51 o bago mag-alas-10 ay under control na ang sunog kung saan isa sa binantayan ng BFP ay ang isang malaking tindahan ng LPG na bagong bukas.

Katabing-katabi lamang ito ng nasusunog na malaking compound, mabuti na lamang at mayroong malaking fire wall na naghihiwalay sa nasunog na mga kabahayan.

Wala namang naitatalang nasugatan o nasaktan sa sunog.

Ayon kay Brgy. San Antonio Ex-O Nestor Dimacali, nasa halos 200 pamilya ang nawalan ngayon ng bahay.

Sabi ni Dimacali, isang lalaki na alias Rasul ang hawak ngayon ng barangay dahil sa hinala na sinadya nitong sunugin ang kanyang inuupahan hindi na raw kasi ito nakakabayad ng upa.

Pero sa ngayon ay inaalam pa ang tunay dahilan at kung magkano ang halaga ng pinsala sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Facebook Comments