
Cauayan City — Nakumpiska ng Isabela Cops ang mahigit 900 gramong marijuana matapos ang isang linggong operasyon kontra illegal na droga.
Isang matagumpay na operasyon kontra ilegal na droga ang isinagawa ng Ilagan City Component Police Station (CCPS) mula Hunyo 13 hanggang Hunyo 19, 2025,
Kinbailangan ito ng Street Level Individual, bagamat walang naitalang High-Value Individual (HVI), nakumpiska naman ang 907.21 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may mataas na halaga sa merkado.
Ayon sa Isabela Police Provincial Office, ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng masusing surveillance, validated intelligence report, at mabilis na koordinasyon ng mga operatiba. Pinangunahan ito sa ilalim ng pamumuno ni PNP Isabela Provincial Director Police Colonel Lee Allen Bauding, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga sangkot sa ilegal na droga sa lalawigan.
Ipinahayag ni PCOL Bauding na ang tagumpay ng operasyon ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan sa kanilang tungkulin at ng matibay na ugnayan sa komunidad at binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kooperasyon mula sa mamamayan sa pagpapatuloy ng mga operasyon.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Ilagan City Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.