Saturday, July 25, 2026

PNP, nilinaw na walang nationwide gun ban sa ika-limang SONA sa Lunes

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang nationwide gun ban sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa lunes ,July 27.

Sa inilibas na pahayag ng PNP, pinabulaanan nito ang kumakalat online patungkol sa nationwide gun ban.

Anila, walang iniissue na anumang direktiba ang PNP para sa nasabing aktibidad gayunpaman ay ipapatupad ang mga umiiral na batas, lokal na ordinansa at security protocol para rito.

Bilang parte ng security preparations sa SONA, magkakaroon ng restrictions ng pagdadala ng baril at iba pang deadly weapons sa mga itinalagang security areas.

Hinimok naman ng PNP ang publiko na magrely lamang sa mga opisyal na communication channels at iwasan ang pagshare ng hindi beripikadong posts na maaaring magdulot ng pagkalito.

Facebook Comments