
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa pagkasawi ng Grade 3 na estudyante ng Lapulapu Elementary School sa Agdao District ,Davao City.
Ito ay matapos na tamaan umano ng notebook sa ulo habang nagkaroon ng alitan sa loob ng nasabing eskwelahan.
Sa inilabas na pahayag ng DepEd , nakikipagugnayan na ang DepEd Regional Office 11, ang Schools Division ng Davao City, at ang nasabing eskwelahan sa mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente.
Kasabay nito ang pagbibigay tulong sa naiwang pamilya ng nasabing mag-aaral.
Inextend naman ng DepEd ang Psychosocial support nito sa mga apektadong magaaral at personnel ng eskwelahan.
Habang hinihimok ang publiko na hayaang magpatuloy ang isinasagawang imbestigasyon at hantayin ang opisyal na findings sa nasabing insidente.
Nagpaalala rin ito sa lahat na iwasan ang mga espikulasyon at pagshishare ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magbigay ng kabigatan sa kalooban ng naiwan nitong pamilya, mga kabataang kasama nito at sa eskwelahan.










