Umaabot na sa P14.6 milyon ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding mula sa Regions 1, 2, 3, 5, CALABARZON at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit P1.2 milyon dito ay family food packs.
Mayroon ding ibinigay na hot meals, financial assistance at tulong para sa mga nawasak ang tahanan.
Sa ngayon, nasa mahigit 176,000 pamilya o higit 640,000 indibidwal mula sa mga nabanggit na rehiyon ang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, 35 cities at municipalities na ang nagdeklara ng state of calamity matapos hagupitin ng Bagyong Karding.
Facebook Comments