Thursday, March 5, 2026

Malacañang, maglalabas ng desisyon sa ICI report sa susunod na linggo

Posibleng ilabas na ng Malacañang sa susunod na ang desisyon nito kaugnay sa report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ito ay matapos isumite ng komisyon ang mahigit isanlibong pahinang accomplishment report sa Palasyo.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, inirekomenda na sa Office of the Executive Secretary na aksyunan na ang ulat.

Saklaw ng report ang resulta ng tatlong buwang imbestigasyon ng ICI sa iba’t ibang infrastructure projects ng pamahalaan, kabilang ang flood control projects.

Kapag nailabas na ang desisyon, malalaman kung magpapatuloy pa ang komisyon o tuluyan na itong bubuwagin.

Facebook Comments