MANILA – Muling tiniyak ng Malacañang na ginagawa nila ang lahat ng paraan para hindi masyadong maapektuhan ang bansa ng El Niño Phenomenon.Ito ang sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma sa harap ng projection ng Department of Agriculture na posibleng umabot sa P5 Billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng Agrikultura.Ayon kay Coloma – mismong si Pangulong Aquino na ang nagsabi na pinababantayan niya sa lahat ng mga kinauukulang ahensya ang pagtutok sa nararanasang El Niño sa bansa.Sa katunayan aniya ay nagpapa-cloud seeding na ang DA sa mindanao at nagpagawa na rin ng mga solar facilities, wind pump at irrigation system na bahagi ng long term solution ng kagawaran.Tuloy tuloy din aniya ang pamimigay nila ng mga mataas na kalidad na binhi, fingerlings at mga buffer stock ng mga feeds.
Malacañang – Muling Tiniyak Na Ginagawa Ang Lahat Para Sa Mabawasan Ang Epekto Ng El Niño Sa Bansa
Facebook Comments