Malacañang, tiniyak na magbibigay ulat sa kalusugan ni Pangulong Duterte kapag siya ay nabakunahan

41

Tiniyak ng Malacañang na magbibigay sila ng regular updates sa magiging kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag siya ay nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ng Pangulo na magpapabakuna siya para sa kanyang “self-preservation” pero hindi binanggit kung anong brand ang gagamitin.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sila magmimintis sa pagbibigay ng ulat sa estado ng kalusugan ng Pangulo kapag siya ay nabakunahan na.

Pero ang nakasaad lamang sa 1987 Constitution, obligado ang isang Pangulo na isapubliko ang nararanasan niyang medical condition kung mayroon siyang seryosong karamdaman.

Facebook Comments