Nababahala na ang malakanyang sa mga insidente ng pagkamatay ng dahiln sa pag inom ng lambanog sa lalawigan ng Quezon at Laguna.
Paalala ni Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo sa publiko na palaging suriin ang kanilang mga binibiling inuming nakalalasing.
Mahalaga aniyang malaman kung hindi pa expired, maayos ang pagkakagawa at rehistrado o aprubado ba ng food and drug administration ang binibiling mga pagkain at inumin lalo na ngayong Pasko kung saan kabi-kabila ang mga kainan at salu-salo.
Sa pinakahuling impormasyon mula sa PGH labing isa na ang nasawi dahil sa pag inom ng lambanog, habang higit 100 din ang patuloy na ginagamot sa makakaibang pagamutan dito sa Metro Manila.
Posibleng panggulo ng mga teroristang grupo sa Metro Manila ngayong holiday season tutukan ng PNP.
Bagamat walang namomonitor na banta mula sa mga teroristang grupo sa Metro Manila nanatiling alerto ang Philippine National Police (PNP) para hindi makalusot ang mga ito.
Tiniyak ni PNP Officer in Charge Lt General Archie Gamboa na po protektahan ng PNP ang publiko laban sa mga manggugulong grupo ngayong nagdiriwang ng pasko at bagong taon ang mga Pilipino.
Aniya naka full alert ang buong hanay ng PNP nationwide para bantayan ang publiko.
Pero hinikayat ni Gamboa ang publiko na makipag tulungan sa mga awtoridad kung may mga nakitang kahina hinalang bagay o tao para agad na mapigilan ng mga awtoridad.
Ginawa ni Gamboa ang panawagan matapos ang sunod sunod na pagsabog sa Cotabato.