MALAKAS MANG-ASAR? | Lalaki, patay matapos barilin sa ulo sa Butuan City

100

Butuan City – Patay matapos barilin sa ulo ang isang 47-anyos na lalaki ng mga suspek na pawang nakasuot ng helmet sa Barangay Maog, Butuan City.

Nakilala ang nasawi na si Roberto Ibali, residente ng purok 7 ng nasabing barangay.

Sa ulat, pinasok ng nag-iisang suspek ang bahay ng biktima kung saan bago ito barilin sa ulo ay sinabihan pa na hindi na makakapang-asar pa kahit kailan.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang krimen kaya at hinala ng pulisya na personal na galit ang motibo lalo na at napag-alaman na may naka-away ang biktima dahil sa malakas daw itong mang-asar.

Facebook Comments