Malakas na pag-ulan, asahan ngayong araw

Nagbabala ang PAGASA ng malakas na ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw sa frontal system sa hilagang Luzon.

Bunsod nito, posibleng umulan sa Metro Manila at mga bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao lalo na sa hapon.

Asahan din ang pag-ulan sa Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region ngayong umaga na maaaring tumagal hanggang hapon.


Pero sa kabila ng inasahang pag-ulan ay mararamdaman pa rin ang heat index na 42 degrees Celsius.

Sunrise: 5:27AM

Sunset: 6:18PM

Facebook Comments