Mga fighter jets ng Russia, hinarang ng US

Apat na Russian bombers at dalawang Russian SU-35 jets ang hinarang ng Amerika sa karagatang bahagi ng Alaska.

Ayon sa North American Aerospace Defense Command, lumipad ang mga Russian long-range bombers sa air defense identification zone na ipinagbabawal.

Bunsod nito, agad na hinarang ng US F-22 stealth jets ang mga fighter jets ng Russia at pinalabas ng airspace.


Hindi naman itinanggi ng Russian Ministry of Defense ang pangyayari at tinawag nito na nagkakaroon lamang sila ng scheduled sorties sa neutral waters sa Chukotka, Bering at Okhotsk Seas.

Facebook Comments