MALAKING NUMERO NG REPATRAITED AKLANONOVERSEAS WORKERS NAGDATINGAN KAGABI LAHAT ANG MGA ITO NAKA QUARANTINE NA

Kalibo, Aklan — Naka qrarantine na ngayon sa mga hotels sa lalawigan ng Aklan, Aklan Training Center at mga Ligtas CoVid Centers ng mga bayan dito ang 116 na repatriated Aklanon overseas workers na dumating kagabi.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Chairman ng Provincial Inter-Agency Task Force for emergin infectious Diseases, 41 sa mga Aklanon overseas workers na ito ay sakay ng barko at ang 75 ay sakay ng 3 sweeper flights via Manila-Iloilo, kung saan sinundo aniya sila ng bus commissioned ng Overseas Workers Administration OWWA para iuwi sa Aklan.
Bukas ayon kay Dr. Cuachon kukunan ang mga ito ng specimen samples para ipadala sa Huwebes saWestern Visayas Medical Center for confirmatory test. Magpapalipas aniya ng labing apat na araw ang116 na Aklanon overseas workers na ito sa mga nasabing quarantine facilities habang naghihintay ngkani-kanilang confirmatory test result.
Ito na aniya ayon kay Dr. Cuachon ang pinakamalaking numero ng repatriated Aklanon overseas workers ang halos sabay-sabay na dumating sa lalawigan ng Aklan, ng magsimula ang repatriation ng mga OFW’s.

Facebook Comments