MALAWAKANG SWABBING PROCEDURE ISASAGAWA SA LALAWIGAN NG AKLAN

Kalibo, Aklan – Nasa plano ngayon ng Aklan Provincial Health Office PHO-Aklan ang pagsasagawa ng malawakang swabbing procedure para sa Corona Virus Disease COVID-19 confirmatory test.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer I, ang laboratory team ng Aklan provincial hospital, medical technologists ng lahat ng district at municipal hospitals gayon din ang ilang Rural Health Units dito ang siyang magtutulungan para sa nasabing aktibidad.
Ang pakay nito ayon kay Dr. Cuachon ay para malaman ng PHO-Aklan ang mga Aklanon na merong asymptomatic o walang sintomang COVID-19 infections.
Samantala sa pinakahuling PHO-Aklan COVID-19 bulletin, lumalabas na, sa 6 na kaso ng nasabing sakit 2 na lamang ang natirang naka confined, 1 sa hospital ng lalawigan at ang 1 naman ay nasa Western Visayas Medical Center, wala ng suspected at probable persons sa nasabing virus, pero mahigit isang daan pang swab samples confirmatory test results ngayon ang hinihintay ng PHO-Aklan.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARBcB46GjRKEw7IP0PP_CTQiEvJCXSZevYDjlxY6sum-ZREFiOAYsOJ4BQXzajGMIQORuMxkHbmO3vIbZeH0F9qopaxeeg5Azdh9urO-uTIIa5ZETP-s…>

Facebook Comments