BAYAN NG KALIBO, TULOY- TULOY ANG PAMIMIGAY NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM (SAP) SA MGA BARANGAY

Kalibo, Aklan- Apat na barangay sa Kalibo nakatakdang bibigyan ng Social Amelioration Program(SAP) ngayong araw.
Ito ay ang nga brgy. Tinigaw, Briones, Mobo, at Linabuan Norte kung saan ipamimigay ito sa barangay hall maliban na lamang sa Brgy. Linabuan kung saan sa Linabuan Elementary School ipamimigay.
Maliban sa SAP, isasabay rin ang pamimigay ng social pension para sa mga senior citizen, at ang 500 pesos mula sa bayanihan grant para sa lahat ng mga qualified na mga benificiaries.
Matandaang sa mga nagdaang araw ay nauna ng binigyan ang ilang barangay sa kalibo katulad ng Bakhaw Norte, Bakhaw Sur, Mabilo, at Caano.
Nagpaalala naman ang LGU Kalibo sa lahat ng pupunta sa venue na magsuot ng face mask at ugaliin ang social distancing.

Facebook Comments