Bagama’t malaki ang epekto sa mga negosyo sa bansa, naniniwala ang Management Association of the Philippines (MAP) na magbibigay kaginhawaan sa mga medical frontliners ang pagbabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng Metro Manila at ilan pang kalapit na probinsya.
Ayon kay MAP President Francis Lim, maganda ang maidudulot na muling paglalagay sa MECQ ng Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nagpapasalamat naman si Lim na hindi isinailalim muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila dahil posibleng maging disaster ang kalalabasan ng bansa dito.
Kasabay nito, sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis, Jr. na tinatayang dalawa hanggang tatlong milyong mangagawa ang maaapektuhan ng pagbabalik sa MECQ ng Metro Manila.
Habang higit 3,000 maliliit na negosyo naman ang pansamantalang magsasara dahil dito.