Inihayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na mag bibigay sila ng Shuttle Services o libreng sakay sa mga medical personnel and frontliners habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay Mayor Abalos hindi lang ito para sa mga taga Mandaluyong kundi kasama rin dito ang mga Heath workers na papasok ata lalabas ng lungsod.
Kasama rin dito ang mga skeletal work force ng local government ng Mandaluyong ay ang iba pang essential Wokers na kasama sa exemption sa localized travel ban.
Maliban dito, magbibigay din nga libreng matitirahan na hindi residente ng Mandaluyong na nagtatrabaho bilang government medical staff at personnel sa lungsod.
Sa kasalukuyan, ang Mandaluyong City ay may anim na kompermadong kaso ng COVID-19, anim din ang Persons Under Investigation at 135 ang person under monitoring.