Manila Baywalk Dolomite Beach, permanente nang bubuksan

53

Permanente ng bubuksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Baywalk Dolomite Beach.

Bukas ang Dolomite Beach simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi na kayang makapag-accommodate ng 1,000 hanggang 3,000 indibidwal nang sabay-sabay.

Umaasa rin ang DENR na darating ang panahon na makakalangoy na rin ang mga tao sa Manila Bay.


Samantala, kumpiyansa naman si DENR Acting Secretary Jim Sampulna na maipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang rehabilistasyon sa Manila Bay.

Matatandaang binuksan sa publiko ang Dolomite Beach noong June 12 kasabay ng paggunita ng lndependence Day.

Facebook Comments