Manila DRRMO, naglabas na ng ulat hinggil sa ginawang assesment sa nangyaring lindol

Walang naitalang pinsala ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa anumang bahagi ng lungsod ng Maynila

Ito’y matapos ang malakas na lindol na naganap.

Base sa assessment ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Teams at Department of Engineering and Public Works (DEPW) ligtas sa kahit na anong panganib ang mga gusali sa Maynila lalo na ang Manila City Hall na higit 80 taon na mula ng itayo ito.


Wala rin naman naitalang nasugatan partikular sa mga empleyado ng Manila City Hall dahil agad din naman silang nakalabas.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Manila LGU ang publiko lalo na ang mga residente sa lungsod na maging alerto na may kasamang matinding pag-iingat kaugnay sa nabanggit na lindol kung saan bukas ang tanggapan ng Manila DRRMO ng 24/7 sakaling may nangangailangan ng tulong at anumang emergency.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Emergency Operations Center (EOC) ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga lalawigan na nasa ilalim ng Region 1 at 2 na naapektuhan ng lindol para malamam kung papaano maipapaabot ang anumang tulong alinsunod na rin sa direktiba ni Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Facebook Comments