Aminado si Testing czar Vince Dizon na pinakamalaking hamon ang kakulangan sa mga tauhan sa COVID-19 testing drive ng bansa.
Ayon kay Dizon, bagama’t dumadami ang mga laboratoryo, nagiging pahirapan naman ang pagkuha ng mga medical technologists at mga lab personnel.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na sila sa mga paaralan sa bansa na magbigay ng kanilang mga volunteers.
Matatandaang naging malaking suliranin noon sa kampanya ang kakulangan ng mga laboratoryo.
Pero sa ngayong nadagdagan na ang screening capacity ng bansa hanggang sa 85 laboratoryo na kayang makapagsagawa ng 25,000 tests kada araw.
Paliwanag ni Dizon, nakapagsuri na ng nasa isang milyong indibidwal ang bansa o nasa isang porsyento ng populasyon.
Facebook Comments