Mahigit isang oras lamang ang itinagal ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa speech ng pangulo, kapansin-pansin na marami sa mga nabanggit sa SONA ni Marcos ay mga panukalang batas na isinusulong na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ilan dito ang panukala na ‘rightsizing’ sa burukrasya o pagbuwag sa ilang mga ahensya at tanggapan ng gobyerno, budget modernization bill, Tax Reform Package 3, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, E-Government Act, E-Commerce Law at Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery o GUIDE Bill.
Kasama rin ang isinusulong ng pagbabalik sa Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), Medical Reserve Corp., National Disease Prevention Authority, paglikha ng Virology Institute of the Philippines, Department of Water Resources, maayos na sistema para sa separation, retirement at pension ng mga military uniformed personnel at amyenda sa EPIRA Law.
Dahil ang mga panukalang nabanggit ay kasama sa SONA ng pangulo, inaasahang kasama ito sa mga priority bills ngayong 19th Congress.