Senator Escudero, pinuri ang SONA ni PBBM pero napuna na wala itong binanggit ukol sa peace and order

556

Para kay Senator Francis Chiz Escudero, mahusay ang unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at mainam din na detalyado rito ang legislative agenda ng administrasyon.

Pinuri rin ni Escudero ang mga inihayag ni Marcos na inisyatibo ukol sa land reform, enerhiya at pagpapalawig ng specialty hospitals.

Pabor din si Escudero sa pasya ni Pangulong Marcos na huwag ng magpatupad ng lockdowns kahit may mga bagong variant ng COVID-19 na sumusulpot.


Suportado rin ni Escudero ang planong rightsizing ng administrasyon o pagbabawas na ahensya para makatipid gayundin sa pagtatag ng Department of Water.

Pero ayon kay Escudero, kapuna-puna sa SONA na tahimik si PBBM ukol sa peace and order.

Facebook Comments