Marikina Mayor Marcy Teodoro, umapela kasunod ng pagkakansela sa kaniyang COC

Bumanat si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na isang political maneuvering ang nangyaring pagkansela sa kaniyang Certificate of Candidacy.

Ito’y matapos katigan ng Commission on Elections (COMELEC) ang inihaing petisyon laban sa Alkalde.

Iginiit niya na hangga’t wala pang pasya, siya ay isa pa ring legitimate candidate sa pagkakongresista ng unang distrito sa lungsod ng Marikina.


Ani Mayor Marcy, hindi niya ito hahayaang mangyari at gagamit ito ng mga legal remedy.

Idiniin din niya na ang first division ng COMELEC ay kinilala na siya ay ipinanganak sa unang distrito ng lungsod at hindi newcomer at nakapagsilbi na sa lungsod sa mahabang panahon.

Dagdag pa niya, walang nakita ang mga ito na mali sa kaniyang paglipat ng kaniyang voter’s registration at tirahan nito.

Dahil dito ay maghahain ang Alkalde ng motion for reconsideration upang patunayan na siya ay lehitimong kandidato sa nasabing lungsod.

Facebook Comments