Martial law extension, posibleng talakayin sa magaganap na pagpupulong sa Lunes nina Pangulong Duterte at mga Senadors

Manila, Philippines – Posibleng pag-usapan ang pagpapalawig ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao sa magaganap na meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng senate majority bloc sa Lunes, July 17.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel – pangunahing agenda ng kanilang pagpupulong sa Pangulong Duterte ay ang proposed Bangsamoro Basic Law (BBL), pero posibleng matalakay din ang batas militar sa Mindanao.

Ang nasabing ay gagawin kasunod ng pagtatapos ng 60-days implementation ng proclamation no. 216 sa July 22 at State of the Nation Address ng pangulo sa July 24.


Samantala, bukas naman ang ilang mambabatas sa posibilidad na martial law extension sa Mindanao.

Sa interview ng RMN kay Kabayan Partylist Rep. Harry Roque – kung mayroong basehan ang pagpapalawig ng martial law ay kanila ito, susuportahan.

Pero, hindi pabor si Roque sa panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na gawing limang taon ang implementasyon ng batas militar lalo na’t malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Una nang nanawagan ang ilan mambabatas na dapat ilatag ni Alvarez ang mga basehan nito para sa kanyang panukalang limang taong pagpapalawig ng batas militar.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments