
Aabot sa 70% ang bilang ng mga kinasasakutang aksidente ng mga 2-wheeler, partikular na ang mga motor sa mga kalsada.
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, kasunod ng isinagawang road safety event ngayong araw.
Ayon kay Herbosa, “unprotected” ang mga sasakyang may dalawang gulong dahil tanging helmet lamang ang kanilang proteksyon.
Aniya, kung ikukumpara sa sasakyan o mga 4-wheeler ay bago masaktan ang sakay nito ay masisira muna ang sasakyan.
Kung mahihiwalay din umano ang 2-wheeler sa iba pang mga sasakyan ay mas mababawasan ang tiyansa na madamay sila sa mga aksidente sa kalsada.
Facebook Comments