VP Sara Duterte, dumating na sa bansa mula Malaysia

Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na dumating na sa bansa si Vice President Sara Duterte mula Malaysia.

Ayon sa OVP, 5:43AM kanina dumating si VP Sara sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight no. PR 530.

Nakatakda namang dumalo ang pangalawang pangulo sa 2025 PASIDUNGOG Awarding Ceremony sa Davao City sa Lunes, June 16.

Una nang humarap si VP Sara sa Filipino community sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong nakalipas na Araw ng Kalayaan.

Facebook Comments