MAS PINAIGTING NA OPERASYON NG PULISYA, IPINATUPAD SA MANGALDAN

Nagpatupad ang Mangaldan Municipal Police Station ng mas pinaigting na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bayan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad.

Ayon sa pahayag, nag-deploy ang estasyon ng mga police personnel para sa regular na pag-iikot, mobile at foot patrol, at mga random checkpoint sa mga matataong lugar, commercial areas, terminals, at ilang barangay na itinuturing na crime-prone.

Kasama rin sa operasyon ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at residente upang mangalap ng impormasyon hinggil sa usaping pangseguridad.

Layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang mga insidente at mapanatili ang kaayusan sa Mangaldan habang nagpapatuloy ang mga operasyon sa iba’t ibang lugar ng bayan.

Facebook Comments