Matapos ang tatlong araw sa Camp Crame, tuluyan nang nakalaya si Peter Joemel Advincula alyas ‘bikoy’

Pasado ala 1:20 ng hapon nang makalabas ng Camp Crame si bikoy matapos na makapagpiyansa para sa kinakaharap nitong kasong estafa at illegal recruitment.

 

Katunayan, biyernes pa lang ay nakapagpiyansa na si bikoy pero dalawang beses siyang nagpabalik-balik sa pnp general hospital dahil sa pagtaas ng presyon ng dugo.

 

Ayon kay NCR-CIDG Chief Police Lt. Col. Arnold Thomas Ibay, sinundo si Advincula ng kanyang pamilya at dumiretso sa isang sasakyan.


 

Wala naman daw dahilan para imonitor pa si Advincula dahil sa ngayon, wala silang nalalamang banta sa buhay nito.

 

Matatandaang huwebes nang sumuko sa PNP si Advincula kung saan niya ibinulgar na scripted lang ang serye ng “ang totoong narcolist” videos.

 

Pakana raw ito ni Senador Antonio Trillanes IV, ng liberal party at pitong kandidato ng otso diretso.

 

 

Facebook Comments