Top 5 most wanted person sa Muntinlupa City, naaresto na ng pulisya

Naaresto na ng mga tauhan ng Muntinlupa Police ang isang kilabot na carnapper at magnanakaw na nasa top 5 Most Wanted Person sa Munlinlupa City.

 

Hindi naging madali sa pulisya ang pag aresto kay  Ricardo Ricacho na may kasong carnapping at theft sa sala ni

Judge Medina RTC 276 at Theft sa sala ni MTC 111Judge


Belleza ng Muntinlupa City.

 

Bago naaresto si Recacho kaninang madaling araw, isang informant ang nagsuplong sa pulisya kagabi ng makita siya

sa bahagi ng Perpetual Village 8 Corner Tirona Highway BRGY Habay Bacoor Cavite.

 

Dala ang warrant of arrest, pintuntahan ng  team ng warrant and subpoena unit ng Muntinlupa police ang lugar subalit nagawang makatakas ang suspect.

.

Sa ginawang follow-up  operation sa nabanggit ding lugar kaninang ala una ng madaling araw  naaresto na ang suspect.

 

Nasa pangangalaga na ng Temporary Custodial Detention Facilities ng Muntinlupa Police ang akusado at handa nang ipresenta sa korte bukas.

Facebook Comments