Lumahok sa programa ang siyam (9) na kliyente mula sa Residential at Outpatient Programs kasama ang kanilang mga asawa at anak. Binigyang-pansin ang pagpapalakas ng papel ng pamilya sa paggabay at pagsuporta sa mga indibidwal na sumasailalim sa rehabilitasyon.
Nagsagawa rin ng orientation at marital counseling na nakatuon sa pagbuo ng mas responsable at matatag na pamilya. Binigyang-diin sa talakayan ang tungkulin ng mga magulang na tiyakin ang pisikal, emosyonal, sikolohikal, at panlipunang kapakanan ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng wastong pagpaplano at responsableng pagdedesisyon.
Mahalaga umano ang aktibong pakikilahok ng pamilya sa proseso ng rehabilitasyon sapagkat ito ang nagsisilbing matatag na pundasyon ng paggaling at pangmatagalang pagbabago.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Lingap Pamilya Kontra Droga, patuloy na isinusulong ng tanggapan ang paghubog ng mga pamilyang nagkakaisa sa pagpapalaki ng mga anak sa isang ligtas, mapagmalasakit, at malayang kapaligiran laban sa ipinagbabawal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







