Planong magtayo ng Department of Agriculture (DA) ng isang onion storage facility sa Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang para sa pag-iimbak ng ani at pagbabawas ng post-harvest losses ng mga magsasaka sa bayan.
Ito ay matapos ang isinagawang monitoring ng DA–Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Scale-up kasama ang lokal na pamahalaan noong Hulyo 10 kaugnay ng pagpapatayo ng pasilidad.
Ayon sa LGU, mapapahaba umano nito ang shelf life ng sibuyas at pagpapanatili ng kalidad ng ani ng mga magsasaka bago ito maibenta sa merkado.
Alinsunod ang aktibidad sa koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng Bayambang at mga kinatawan ng contractor kung saan pinag-usapan ang mga hakbang para sa pagkumpleto nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







