GULAYAN SA BARANGAY MALABAGO, CALASIAO, NAPAPAKINABANGAN NA NG KOMUNIDAD

Nagsimula nang mapakinabangan ng mga residente ang Gulayan sa Barangay ng Barangay Malabago sa Calasiao matapos anihin na ang mga sariwang gulay na ipinamahagi sa mga batang kabilang sa underweight category.

Bukod sa mga sariwang gulay, nakatanggap din ang mga bata ng dietary food supplements at mga bitamina bilang karagdagang suporta sa kanilang nutritional needs.

Itinaon ang naturang aktibidad sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, inaasahan na buong buwan ng Hulyo, apat na best silang magsasagawa ng pamamahag upang makatulong sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng mga piling benepisyaryo

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng komunidad, patuloy na isinusulong ng Barangay Malabago Counsel ang pagtatanim at mga programang naglalayong makamit ang mas malusog, masigla, at maunlad na pamayanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments