“Mathematics Dance Challenge”, patok sa mga netizens!

From Facebook/Allan Enverga

VIRAL ngayon sa social media ang nakagigiliw na Mathematics Dance Challenge kung saan sinasayaw ng isang lalaki ang four fundamentals ng nabanggit na subject.

Sa Facebook post ni Allan Enverga, makikita sa video na todo bigay si Engr. Maezon Abella sa paghataw habang binabanggit ng kanyang mga kaibigan ang add, minus, divide and multiply.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa pagsayaw ni Maezon at sinasabi ng ilan sa kanila na makakatulong ito sa mga batang ayaw sa Mathematics. Pumalo na sa 2.1 million views at 73,062 shares ang nakakatuwang video.


 

Facebook Comments