MAY ASIM PA | Efren “Bata” Reyes, Nagkampeon sa Minnesota 8-ball tournament

Hindi pa po laos ang tinaguriang The Magician ng billiards!

Tinalo kasi ni Efren “Bata” Reyes ang Amerikanong si Dennis Hatch, 15-13 sa finals para tanghaling kampeon ng The Break Room 8-Ball Classic na ginanap sa Duluth, Minnesota kahapon.

Dahil sa panalo naiuwi ni Reyes ang top prize na $8,000 o P420,000 sa ikatlong taon ng torneo na nilahukan ng labing-anim na pinakamalupit na mga billiard player ng mundo.


Hindi nakatikim ng kabiguan si Reyes, na dating 8-ball world champion, sa buong torneo.

Tinalo niya sa elimination round sina Alex Pagulayan, Anny Oldon at Vince Chambers.

Facebook Comments