Mayorya ng mga Pilipino, pabor na isapubliko ang estado ng kalusugan ng Pangulo – SWS Survey

Naniniwala ang anim sa bawat 10 Pilipino na dapat malaman ng publiko ang estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa survey ng Social Welfare Stations (SWS), 65% ng mga Pilipino ang nagsabing dapat ipaalam sa publiko ang kalusugan ng Pangulo.

Mataas ito ng apat na puntos mula sa 61% noong December 2019 at September 2018 survey.


Nasa 32% naman ang naghayag na pribadong usapin ang kalusugan ng Pangulo at hindi kailangan itong malaman ng publiko.

Marami ang nasasabing public matter ang kalusugan ng Pangulo sa Visayas (69%), Metro Manila (65%), at Balance Luzon at Mindanao na kapwa may 64%.

Ang national mobile phone survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20, 2020 sa 1,249 respondents.

Facebook Comments