MBC, nagpalabas ng statement bilang suporta sa ABS-CBN

Napaghayag na rin ng kanilang suporta ang mga negosyante na miyembro ng Makati Business Club (MBC) na humihingi sa Kongreso na isalang na sa deleberasyon ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa kanilang inilabas na press statement, sinabi ng MBC na dapat bigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN ng isang patas na pagtrato mula sa gobyerno.

Ang pagdinig lamang sa mga panukalang batas na inihain sa Kamara para sa franchise renewal ng TV network ang siyang tutuldok sa mga akusasyon ng iba’t-ibang sektor na nagkakaroon ng supresyon ng kalayaan sa pamamahayag.


Anila, dapat daw bigyan ng pagkakataon ang Channel 2 at kontra sa renewal ng prangkisa nito na makapagpaliwanag sa gagawing committee hearing sa Kamara upang mailahad ang kanilang mga panig.

Facebook Comments