Medical Technologist sa San Mateo, Isabela, Kusang Sumuko sa Kanyang Kinakaharap na Kaso

*San Mateo, Isabela- *Agarang nakapag piyansa  ang isang Medical Technologist matapos lumabas ang Warrant of Arrest nito dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR)  in Homicide and Damage to Property.

Kinilala ang sumuko na si Josephine Ramones Grospe, 53 anyos at residente ng Brgy 2, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP San Mateo, Isabela, ipinalabas ang Warrant of Arrest ni hukom Eric Banasan ng MTC San Mateo, Isabela dahil sa naturang kaso sanhi ng isang aksidente na nangyari noong Mayo 12, 2018 sa nasabing bayan.


Agad namang nakalaya ang medical technologist matapos makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng tatlumpung libong piso (P30,000.00).

Samantala, nilinaw ni Ginang Josephine Ramones Grospe ang naunang napaulat sa RMN Cauayan na siya ay inaresto bagkus ay kusa itong sumuko at nakapagpiyansa bago pa isilbi ang kanyang Warrant of Arrest.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Grospe, bago pa umano maisilbi ang Warrant of Arrest nito ay kusa na umano itong nagtungo sa PNP San Mateo upang kusang sumuko at naglagak na ng piyansa sa korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ibinahagi pang impormasyon ni Grospe, naganap umano ang aksidente noong May 12, 2018 sa National Highway ng brgy. 1, San Mateo, Isabela kung saan ay sinagi ng manibela ang motorsiklo ng namatay na si Roderick Castañeda ang likod ng sasakyan ni ginang Grospe habang nakahinto sa gilid ng daan sa Barangay 1, San Mateo, Isabela.

Aniya, nag-usap na umano sila sa panig ng pamilya ng nasawi subalit hindi umano sila nagkasundo kaya ipinapasakamay na lamang umano ni Ginang Grospe ang kanyang kaso sa korte kung ano ang magiging disisyon nito sa nasabing kaso.

Humihingi naman ang RMN Cauayan ng dispensa kay Ginang Grospe sa naunang napaulat na dalawang kaso nito at pagkaaresto ng naturang Medical Technologist.

 

 

 

Facebook Comments