Tuesday, April 28, 2026

Mga natatanging imbensiyong Pinoy, pinarangalan sa Malacañang

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang ang 2026 National Invention Contest and Exhibits (NICE) Awards kung saan kinilala ang mga natatanging imbensiyon ng mga Pilipino.

Mula sa 764 entries sa buong bansa, 28 finalist ang napili at walong nagwagi ang pinarangalan sa iba’t ibang kategorya.

Kabilang sa mga parangal ang Tuklas Award, Unlad Award, Banghay Award, Likha Award, at Sibol Award para sa mga estudyanteng mananaliksik.

Ilan sa mga tampok na imbensiyon ay herbal cream para sa skin tag at warts, African Swine Fever detection system, Mechanical Coconut Climber, AI chick counting device, at Multi-shell Neutron Spectrometer.

Bukod sa cash prize, makatatanggap din ng suporta mula sa Department of Science and Technology (DOST) para sa patent, pagpasok sa merkado, at pagpapalawak ng produkto.

Facebook Comments