Friday, April 24, 2026

Malacañang, nirerespeto ang desisyon ng ICC sa kaso ni FPRRD

Iginagalang ng Malacañang ang naging pasya ng International Criminal Court (ICC) na kumpirmahin ang mga kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahalaga umanong manaig ang hustisya, pananagutan, at due process para sa magkabilang panig.

Hustisya aniya ang makakamit ng akusado kung mapatutunayang wala siyang sala, gayundin ng mga biktima kung mapatutunayan namang nilabag ang kanilang mga karapatan.

Muli ring nilinaw Palasyo na ang pagpapadala kay Duterte sa The Hague ay hindi para sumunod sa utos ng ICC kundi nakabatay sa umiiral na batas ng Pilipinas at sa relasyon ng bansa sa Interpol.

Sa usapin naman ng panawagang muling sumali ang Pilipinas sa ICC, sinabi ng Palasyo na nananatili ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pa ito napapanahon sa ngayon.

Facebook Comments