Tuesday, March 10, 2026

Mga abusadong oil companies na nagpataw na kaagad ng mataas na presyo ng langis, pinasisilip ni SP Tito Sotto sa mga awtoridad

Hinimok ni Senate President Tito Sotto III ang mga kaukulang ahensya at otoridad na silipin at papanagutin ang mga kumpanya ng langis na ngayon pa lang ay umaabuso na sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ilang oil companies na ang nagpataw ng napakataas na presyo ng langis at mga produktong petrolyo simula noong nakaraang linggo at sinasamantala ang gyera sa Middle East.

Giit ni Sotto, pinakamabigat sa lahat ang pangaabuso na ginagawa ngayon ng ilang nasa oil industry dahil kung tutuusin, hindi pa naman talaga nangangailangan o kinukulang ng suplay ang bansa.

Naghahanda rin naman aniya ang gobyerno para rito at sila sa mataas na kapulungan ay bukas na gawin ang anumang pwedeng itulong sa ehekutibo.

Samantala, nauna namang tiniyak ni Sotto na ipaprayoridad ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Bongbong Marcos para mabawasan ang excise tax sa langis.

Dagdag pa ng mambabatas, isasalang din kaagad sa pagdinig ang proposal na ito kagaya sa ibang mga panukalang batas at sisikapin nilang maipasa ito bago ang recess o session break sa March 20.

Facebook Comments