Mga aktibong miyembro ng PNP, handler ni bikoy noong 2016

May impormasyong natanggap si Senator Panfilo Ping Lacson na noong 2016 ay mga miyembro at opisyal ng Philippine National Police ang nasa likod ni Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si bikoy.

 

Naniniwala si Lacson, na ang motibo ng nabanggit na mga kasapi ng PNP ay para magpapogi o magpapakitang gila sa administrasyong Duterte.

 

Sabi ni Lacson, ilan sa mga ito ay aktibo pa sa serbisyo at ang iba ay kakilala niya na kung magkakaroon ng pagkakataon ay kakausapin at tatanungin niya.


 

Base sa rebelasyon ni Senate President Tito Sotto III, nakipag-ugnayan sa tanggapan niya noong 2016 si Advincula at sinabing sangkot sa ilegal na droga sina dating Pangulong Noynoy Aquino, Executive Secretary Pacquito ochoa, DILG Secretary Mar Roxas, Leila De Lima at iba pang personalidad.

 

Pero ngayon ay blangko si Lacson kung sino na ang handler ni Advincula na naging katuwang nito paggawa at pagpapakalat ng viral video na ang totoong narcolist.

Facebook Comments