Mga armadong kalalakihan di makaporma sa matatag at matibay na depensa ni Kapitan Jonas Mohamad

Dalawang gabi ng namomonitor ni Poblacion 9 barangay chairman Jonas Mohamad ang presensiya ng mga armadong kalalakihan sa kailugan ng Nalinan o boundary ng Kabuntalan, sultan kudarat maguindanao at Poblacion nueve. Nakita din ng ilang kabarangay nito ang pagtambay ng ilang nakabangkang armado kayat mabilis nilang ipinagbigay alam kay kapitan. Bagamat nasa katubigan parin ng maguindanao ang mga armado ay nag-alerto narin si Kap.Mohamad at pinalakas ang depensa ng kanyang barangay kasama ang mga tanods at BPAT dala ang baril ng barangay. Dahil maganda at matatag ang barangay defense plan ni Kapitan ay nagdadalawang isip ang armadong grupo pumasok….Kung kayat dinivert na lang ng mga armadong kalalakihan ang kanyang gagawing panggugulo at pinasok na lamang nila ang isang barangay sa Pigkawayan at doon ay nagkapalitan sila ng putok sa tropa ng military under sa 34th IB. Napagtanto ngayon ni Kap Jonas na walang laman ang Itak laban sa mga armadong kalalakihan na naghahasik ng kaguluhan kung kayat umapela siya sa pambansang kapulisan na dapat pahintulutan ang mga tanods na magdala ng baril dahil sila yung mga first line of defense ng lungsod kung may papasok na arm group…Ayaw kasi ni kapitan na maulit ang nangyari sa Marawi kung kayat siyay 24/ na nagbabantay at nagroronda.

Facebook Comments