Mga bagong pulis na mapapabilang sa bagong Drugs Enforcement Unit, sumailalm na sa seminar

60

Manila, Philippines-Sumailalim na sa seminar ang mga pulis-Maynila na napipisil ng Manila Police District na mapabilang sa bagong Drugs Enforcement Unit (DEU) nito.

 

Layon ng seminar na gawing handa ang mga pulis sa pagbabalik ng mga operasyon nito kontra-droga.

 

Ayon kay Supt. Antonietto Erick Mendoza, hepe ng MPD-District Intelligence Division – naisumite na nila ang listahan ng mga pulis na posibleng mapabilang sa DEU.

 

Pero aniya, isasailalim pa muna nila ito sa background check para matiyak ang integridad ng mga naturang pulis.

Facebook Comments