Wednesday, May 20, 2026

Driver ng pick-up na umararo sa 73 years old na lalaki sa tapat ng Kadiwa Center sa Quezon City, iniimbestigahan na

Kitang-kita pa ang sariwang dugo sa mismong bangketa kung saan sinasabing kinaladkad ng isang itim na pick up ang isang 73 years old na lalaking nakapila sa P20 na bigas sa Kadiwa Center, sa Visayas Avenue, Quezon City kaninang alas-4 ng umaga, May 20.

Ayon sa nakakita, nakaupo sa bangketa ang biktima nang araruhin ng nasabing sasakyan matapos na sumampa sa nasabing bangketa at tumama sa poste ng kuryente.

Naiwan pa sa mismong bangketa ang sira-sirang payong, bag, at tsinelas ng biktima na agad na itinakbo sa pinakamalapit na ospital para gamutin, pero agad din itong binawian ng buhay.

Ayon sa isang tindero, hindi umano lasing ang driver pero ang sabi nito ay iniiwasan umano ng driver na mabangga ang isang motorsiklo, yun nga lang sa kakaiwas eh ang matandang lalaki naman ang kanyang naararo.

Samantala, pupunta rin mamaya sa police station ang nasabing tindero na nagtamo ng gasgas sa likod ng kaniyang siko dahil hindi man lang umano siya kinausap ng kapatid ng driver para tanungin kung okay lang siya o kung kailangan dalhin sa ospital.

Samantala, kasalukuyan nang hawak ng Quezon City Pilice Traffic ang driver para sa imbestigasyon.

Facebook Comments