Tuesday, May 19, 2026

Malacañang, ayaw maaksaya ang resources ng gobyerno sa paghahanap kay Sen. Bato

Nanawagan ang Malacañang kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa batas at huwag magtago sa warrant of arrest ng International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung wala kasalanan si dela Rosa, wala itong dahilan para umiwas.

Bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP), alam aniya ni dela Rosa kung paano ipinapatupad ang batas kapag may warrant of arrest.

Giit din ni Castro, dapat maiwasan ang tensyon at paggamit ng resources ng gobyerno gaya ng nangyari sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi dapat aniya kinukunsinti ang sinumang umiiwas sa pananagutan.

Facebook Comments