Tuesday, May 19, 2026

Senate media, bibigyang pagkilala ng Mataas na Kapulungan

Inihain ni Senator Risa Hontiveros ang resolusyon na magbibigay pagkilala sa mga Senate reporters/media na nag-cover ng shooting incident noong Miyerkules, May 13.

Sa Senate Resolution 400 na Hontiveros, pinabibigyan ng commendation ang Senate media para aniya sa bravery o katapangan at professionalism sa pagco-cover ng shooting incident.

Tinukoy sa resolusyon ang tatlong minutong putok ng baril na nagdulot ng panic hindi lamang sa mga empleyado ng Senado kundi pati sa mga myembro ng media na nasa loob ng gusali kung saan nangyari ang insidente.

Nakasaad din na tatlong araw nang kino-cover ng mga media ang standoff sa pagitan ng mga otoridad at ng senate leadership kaugnay sa kustodiya ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa kabila aniya ng panganib sa loob at labas ng gusali, nagpakita ang senate media ng tapang at patuloy na nagcover para sa right to information ng publiko.

Sa kabila rin ng information landscape ngayon na kinokompromiso ng mga online disinformation at covert influence operations, ang patas na paguulat ng senate media ay nagsisilbing mahalagang haligi ng katotohanan, pagprotekta sa integridad ng demokrasya sa panahon ng national crisis.

Facebook Comments