Malay, Aklan – Tuluyan ng i-phase out ang mga bangkang di-katig na bumibiyahe sa isla ng Boracay matapos na i-deny ng MARINA ang 6 na buwang hiling na extension ng koperatiba. Ayon kay Mr. Godofredo Sadiasa, Chairman ng CBTMPC na hanggang sa Enero 19 na lang pwede makabiyahe ang kanilang mga bangkang di-katig at gagamitin na nila ang fiber glass na mga bangka. Ayon kay Sadiasa na sa ngayon ay meron na silang 23 na fiber glass boat na bumibiyahe at meron pang 3 na darating nga parehong 60-seaters sa Pebrero. Ang nasabing pag pjhase out ng mga bangkang di-katig ay kaparte rin ng transportation modernization program ng Duterte Administration. Napag-alaman na bago pa man ito ay nag-apela na ng extension ang operators sa pamamagitan ng SB Malay sa MARINA dahil sa pandemic ngayon at kapos sap era ang mga ito pero hindi sila pinaboran.
Mga bangkang di-katig na bumibiyahe sa Boracay, tuluyan ng i-phase out
Facebook Comments