Umabot na sa 920 pamilya ang nakinabang sa taunang Electrification Program ng Pamahalaang Lokal ng San Nicolas mula taong 2020 hanggang 2025, ayon sa datos ng LGU.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa kamakailan ang LGU ng orientation seminar para sa Free Electrification Program na dinaluhan ng 120 pamilya, sa koordinasyon ng PANELCO Tayug team.
Ipinaliwanag sa mga kalahok ang proseso ng libreng pagkakabit ng kuryente at ang mga kwalipikasyon upang maging benepisyaryo.
Patuloy naman ang ugnayan ng LGU San Nicolas at PANELCO Tayug upang tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng programa at matukoy pa ang ibang pamilyang maaaring mapasama sa mga susunod na batch ng benepisyaryo.
Facebook Comments







