Mga Binhi ng Gulay para sa mga Magsasaka ng Isabela, Ibinigay na ng DA Region 2!

Cauayan City, Isabela – Ipinasakamay na ng Department of Agriculture Region 2 sa provincial government ng Isabela ang dalawampung sako ng mga binhi ng gulay na para sa mga magsasaka na nasalanta ng bagyong ompong.

Ayon kay Ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, na pinanungahan umano ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo ng DA Region 2 ang pagbigay ng mga binhi ng gulay sa kapiltolyo ng lalawigan ng Isabela bilang paunang tulong para sa mga magsasaka.

Aniya nagkakahalaga ng anim na daang libong piso ang ang binhing gulay na kinabibilangan ng okra, sitaw at petchay kung saan ito umano ay madaling anihin ng mga magsasaka ng Isabela.


Sinabi pa ni ginoong Santos na sa araw ng lunes ay maaring ipatawag na umano ni Provincial Agriculturist Dr. Angelo Naui, ang lahat ng municipal at city agriculturist upang ipasakamay rin ang mga nasabing binhing gulay.

Samantala susunod naman umanong ibibigay ang mga binhi ng palay, mais at iba pang regular na programa ng DA na maaring aplayan ng mga magsasaka.

Facebook Comments