May utos na si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa lahat ng mga chief of police na i-update ang listahan ng priority targets ng mga nagbebenta ng iligal na droga.
Ito ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP chief, ang nakumpiskang nasa 809 kilos ng shabu ng nakaraang linggo sa drug operations sa Zambales, Bataan at Cavite operations ay nagpapakita na patuloy na nakakapag-operate ang mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.
Kaugnay nito, mahigpit na nakikipag-ugnayan ngayon ang PNP sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa immediate destruction ng mga nakumpiskang iligal na droga.
Siniguro ni PNP chief na mas paiigtingin pa nila ang kampanya kontra iligal na droga lalo ang paghuli sa mga pulis na sangkot sa bentahan ng iligal.
Tiniyak ni PNP chief sa publiko na hindi nila kinukunsinte ang mga pulis na nasasangkot sa iligal na droga at anumang katiwalian.